Undas

November 1, 2008 at 8:09 pm 2 comments

Bigla kong na-miss si Tatay.

Tatay ang tawag ko sa Lolo ko. Namatay siya two years ago. Mahal na mahal ko yun kasi malambing, mabait at bolero. Kaya ko nasabing bolero si Tatay, kasi, lagi niyang sinasabing ako raw ang pinakamagandang apo niya. Naman ‘tong si Tatay, bolero ever. Pero ‘di nga, everytime na sinasabi niya sakin yun, eh liverspread ang drama ng lola niyo. Malambing rin si Tatay kasi kapag napabisita ako sa bahay niya, lagi dapat akong may pasalubong na kiss sa kanya. Mabait si Tatay kasi panay bisita rito sa bahay para maghatid ng cookies, ice cream at chiffon cake.

At dahil wala na si Tatay, wala ng bumibisita rito para maghatid ng ice cream at cookies. Di kasi ganun si Nanay (Lola ko), pero mahal ko rin yun. Marahil yun ang dahilan kung bat miss ko si Tatay. Isang pang dahilan kung bakit ko siya na-mimiss, kasi siya lang ang Tatay na nadatnan ko. Yung isang Lolo ko kasi, namatay bago pa ako napanganak, sa katunayan nga, namatay na siya bago pa lang nag-asawa ang mga magulang ko.

Ngayong undas talaga nagsisilabasan ang concern para sa mga namatay ng mga mahal sa buhay. Sa sobrang concern ng iba, pinipili pang matulog at mag-overnight sa sementeryo. Yung iba nga, magdadala pa ng videoke at maiinum. Ano yun? Inaaliw ang patay? Pero, ito na nga ata ang tradisyon ng ibang Pilipino. Walang trick or treat dito sa Pinas, pero merong happy hour sa sementeryo, sabayan niyo ng eat all you can.

O siya, hanggang dito na lang yung post ko, sana nasa langit na lahat ng mga mahal natin sa buhay na dati ay nasa purgatoryo..

At teka.. Bumisita kayo sa mga yumao niyo ng mahal sa buhay. Pero kung busy kayo, okay lang. Sa tingin ko eh sila na ang bibisita sa inyo. LOL

Advertisements

Entry filed under: Uncategorized. Tags: .

Melamine So long 1st sem, I’ll miss you.

2 Comments Add your own

  • 1. Axel  |  November 2, 2008 at 10:53 pm

    Kami dati lagi kaming overnight sa sementryo kapag mag-undas na… Kaaliw nga eh, daming tao…

    Reply
  • 2. anakngpiso  |  November 3, 2008 at 11:17 am

    hi…. makikisingit lang ako ha…. buti ka pa naabutan mo ang tatay (lolo) mo.. ako on both sides wala akong naabutan…. kung ako yun siguro nga mamimiss ko sya…iba talaga mga pinoy eh noh? yung iba nga ginagawang reunion party ang sementeryo eh… cheers-glesy the great

    http://anakngpiso.wordpress.com/

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


The Author


Despite my flaws,
I'm still superb.

Kalendaryo

November 2008
S M T W T F S
« Oct   Dec »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  

%d bloggers like this: