Is nursing for me?

September 15, 2008 at 7:42 pm 6 comments

Or am I just kidding myself?

I’m in a crisis. See, I don’t even know if I’m sure with the path that I’m currently taking, and for me, SHIFTING will never be one of my options. I don’t know. I mean, sayang ang time, ang effort, and money. Hindi naman ako pumasok ng nursing just because of the fad. Noon pa naman gusto ko na ‘to, pero parang nag-sisink in sakin ngayon na mukhang mas matimbang ata yung mga language and communication courses na gusto ko sanang kunin. Gusto ko naman talagang mag-masscom pero sabi nga naman nila, mahirap maghanap ng trabaho. So, okay, cancel na lang yung choice na yun.

Minsan, iniisip ko nga eh kung ano ang buhay ko ngayon kung masscom yung kursong kinuha ko. Mas magiging masaya ba ako? Mas mag-eenjoy ba ako? O papangarapin ko rin na sana nag-nursing na lang ako?

Di ko naman kinakahiyang aminin na nahihirapan na ako sa kurso ko. Kung sabagay, ano nga ba naman ang kursong madali? Lahat naman ata ng kurso eh pinaghihirapan upang makuha mo ang diploma. Pero, teka, balik nga muna sa kwento, mukhang off topic na ako. Pero, yun na nga, ang hirap ng lessons ko. Sa totoo lang, nosebleed na nosebleed na ako siguro nga wala na akong ilong eh, nadala na sa daloy at malakas ng agos ng dugo tuwing may quiz kami o exam.

Di ko naman talaga iniisip ang mag-shift. Ayoko kasi maging irreg na studyante. Marami kasi akong kilala na irreg na talagang hirap sa mga sched nila. Ngee. Goodluck na lang. Ang hirap ata ng taong nursing ang course tapos irreg. Isa pa, sinumulan ko na ‘to, kaya dapat tapusin ko na lang. Magtitiis na lang ako. Matututunan ko naman siguro itong mahalin pagdating ng panahon. (huwaw. ang keso.)

Pero, bumabagabag rin sa isip ko kung kelan ko ma-rerealize na para talaga ako sa kursong ito. Kung ano man ang na-realize ko, o kung meron man akong na-realize, eh sa susunod na kabanata na lang.. πŸ˜€

Advertisements

Entry filed under: daily whatever, personalan. Tags: , , , , , .

It’s been a year since… Rebellious? You sure?

6 Comments Add your own

  • 1. Dean  |  September 16, 2008 at 11:53 am

    You can’t escape from the difficulties of college life (or so I heard).. it will always be waiting for you, no matter what course you decide to take up. Tama ba, ate?

    Now that you mentioned it, I think you would be very well suited for a communications-related course..I mean, you are pretty fluent, after all.

    Tsk2.. Good luck with your career, ate Trishie. Kaya mo yan! As you would say, ajaness.. πŸ˜€

    Reply
  • 2. trishie  |  September 16, 2008 at 7:54 pm

    @Dean
    — aww. That’s a sweet comment. Thanks lil bro πŸ™‚ Ewan. I’m still undecided. But hey, let’s just see in the long run πŸ™‚

    Reply
  • 3. Louis  |  September 24, 2008 at 9:48 pm

    Siguro mainam kung ililist down mo yung mga bagay na sa tingin mo ay magiging benefits mo sa nursing course. Then, isipin mo ren ang mga interesting stuff related to your course. Isipin mo ren yung mga matutulungan mong tao in the future. hehe. Keso. Just look on the bright side. Motivate yourself to work hard and earn that diploma. Kaya mo yan!

    Reply
  • 4. Axel  |  October 2, 2008 at 10:45 pm

    Kung masaya ka sa ginagawa mo ngayon malamang tama yan pero kung hindi dapat isipin mo na kung saan ka talaga…

    Reply
  • 5. gentleincrime  |  April 28, 2009 at 7:13 pm

    wag mo masyado dibdibin ning! ako nakagraduate ng nursing kahit na hindi ko 100% choice ang nursing. pumikit nalang ako at nagdasal kay God kung para ako dito sa nursing, ibibigay mo sa akin to. ayun binigay naman sa akin. that’s we call miracle! see?! Goodluck kaya mo yan!

    Reply
  • 6. trishie  |  May 29, 2009 at 10:16 pm

    Awww. Thanks for the encouragement πŸ™‚

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


The Author


Despite my flaws,
I'm still superb.

Kalendaryo

September 2008
S M T W T F S
« Aug   Oct »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

%d bloggers like this: