Watchu looking at?

May 14, 2008 at 1:35 pm 14 comments

 Why you lookin’ at my tsinelas?

 

Di ko na ma-contain, kaya kailangan ko nang i-blog. Hmm. Ako kasi yung taong sobrang mahilig magsuot ng tsinelas. Tinatamad kasi akong mag-suot ng sandals or closed shoes, at para sakin, napaka-comfortable ng tsinelas. Simula nung na-uso ang imported na tsinelas na kung tawagin ay Havaianas, saka pa ako nahiyang sumuot ng tsinelas. Karamihan sa mga tao ngayon, eh sumusuot na nun. Marami sa mga kakilala ko ang may ganoon na tsinelas, tinanong ko naman sila kung bat sila bumili ng ganun, sabi nila, dahil uso daw.

Honga naman, uso siya, sabi ko sa sarili ko. Tapos napatingin ako sa tsinelas ko.. Naku, walang brand ito. Saka ko na-realize na tumitingin na pala yung mga tao sa paa ko. Nakakainis lang, kasi yung mga naka-suot ng havaianas ang tumititig sa paa ko. Para bang nandidiri dahil hindi mamahalin ang tsinelas na suot ko. Kung baga, para sa kanila eh sukatan na ng pagkatao ang tsinelas na yun. Ilang taon rin nauso ang havaianas, at hanggang ngayon eh usong-uso parin.

Hindi naman ako talo dahil meron rin naman akong sariling havaianas na tsinelas. Pero nagkaroon lang ako ng ganito kasi pinilit ako ng mama ko. Bumibili kasi siya ng mga damit noon, at may havaianas na stall dun sa loob ng store na binibilhin niya. Ako naman, sa pagkakaalam niya eh talagang mahilig sa tsinelas. Mga isang taon rin niya akong pinilit na bumili ng havaianas pero ako lang talaga ‘tong may ayaw. Kasi sabi ko, mahal. At kung bibili man ako eh sa sarili ko na lang pera. Sabi ko pa nga sa kanya na bibili ako ng isang pair nun kapag birthday ko na. Kung baga, birthday gift ko sa sarili ko, dahil flip-flop lover naman ako. Pero ayun na nga, na-kumbinsi parin niya ako na pumili at tuluyang binilhan nga ako.

Totoo nga ang sabi nila, masarap siya sa paa, at talagang di ka mapapahiya kasi di mapipigtas yung strap kahit man suotin mo to habang lumalakad ka sa basang dalampasigan. Pero, yun na nga, may masamang naidulot rin ito sa ibang tao. Karamihan, naging mapagmataas na dahil lang sa tsinelas na ito. Gaya nga ng sabi ko eh panay ang tingin nila sa paa mo kapag hindi havaianas ang suot mo.

Ano ba naman kasing nasa tsinelas na yan? Dahil ba sa presyo nitong kay mahal? Ang isang pair ata ng tsinelas na ‘to eh equivalent na sa isang sakong bigas. Kaya naman sana eh wag ng maging mapagmataas ang ibang merong ganitong tsinelas. Kasi di naman lahat ng tao, “can afford”. Nakaka-concious lang kasi minsan eh kapag titigan yung paa mo, kala ko pa naman eh may dumi yung paa ko o kundi naman eh namatayan ako ng kuko. At ako, kahit may havaianas na ako, eh di ako tumititig sa paa ng iba na hindi havaianas ang suot. Kasi hindi naman sa tsinelas nasusukat ang tao. 🙂

Sa susunod siguro eh bibili ako ng SPARTAN na tsinelas. Yun bang local na tsinelas na mabibili mo ata ng bente pesos. 🙂 At kung may tititig sa paa ko dahil SPARTAN ang suot ko, aba eh taas noo kong sabihin sa kanya na..

Ui. sikat tsinelas ko. nasa 300 ito, yung pelikula na puro steroided yung mga cast. lol. lagi pa nga toh nababanggit ni Leonides eh.. “

LEONIDES: SPARTANS!!!! *tawa*

 

Advertisements

Entry filed under: daily whatever, opinyon. Tags: , , .

Coincidence Much? The Backspace Button

14 Comments Add your own

  • 1. Maui  |  May 14, 2008 at 6:22 pm

    hahaha xD mygad. alam mo bang nasa right timing ang blog post mo na ito? dahil …

    naputol ang strap ng hava ko. xD hahahaha.

    nagpaka-ulaw ko sa school ganina. buti nalang CAT people lang andun.. kaya hindi masyado nakakahiya. xD

    — yes trish, NPWB akoo. xD pero sana naman maka settle down na ako sa aking newest home. xD ^_^

    Reply
  • 2. trishie  |  May 14, 2008 at 7:11 pm

    huwat?
    naputol ang strap sa imong havaianas?
    ngek. lol. nganu?? lolersss.. 😛

    Reply
  • 3. Maui  |  May 14, 2008 at 10:21 pm

    — I kicked Mika’s calf kasi. xD And maybe it was time for “her” to “retire”.. xD haha. three years na ata un eh. pero sayang.. it was green panaman. D:

    Reply
  • 4. trishie  |  May 15, 2008 at 8:40 am

    ohmygooowd. yung havie mo na sabay pa ata kayo nagbili ni chie kasi magkagaya kayo? hehe. yung green mo na joy bah? wawa nman. hehe. i think it was ur favorite. hmmm. hehe.

    Reply
  • 5. R.J.  |  May 16, 2008 at 8:40 pm

    mas paborito ko ang spartan, very comfortable. hehehe hindi ako nakiuso sa hava eh.

    Reply
  • 6. chroneicon  |  May 17, 2008 at 7:04 pm

    ang mga nakikiuso ay mga taong hindi satisfied sa pagkatao nila. para bang wala or naghahanap ng matatanggap na identity. ako masaya na ko kahit walang habayanas. di naman ako mamamatay kung wala nun. masaya ako sa sarili ko kaya nga kahit baycon na lahat ng briefs ko e wala akong balak bumili ng bago

    Reply
  • 7. The Gasoline Dude  |  May 17, 2008 at 9:46 pm

    Hahaha! Natawa ako dito!

    Ako naman, me pumipilit sa ‘kin na bumili ng Crocs dati. Bili daw ako para pareho kami. Eh namamahalan ako kaya hindi ako napabili.

    Crocs nga hindi ako bumili, Havaianas pa kaya? *LOL*

    Reply
  • 8. kuletz  |  May 18, 2008 at 3:22 am

    korek!!! nde nadadaan sa tsinelas ang sukatan ng isang pagkatao!!
    dont judge the tsinelas by its strap!!! SPARTANS!!! ngeekk lolz!!

    Reply
  • 9. trishie  |  May 18, 2008 at 3:44 pm

    @RJ
    — ako rin. may spartan ako na slipper dati. hehe. mahirap na kasi hanapin ang spartan ngayon. dami ng sumusulpot na tsinelas! hehe.

    @Chie
    — ang lalim. nosebleed ako! hehe. thanks 🙂

    @GD
    — haha. as in? ai. ayoko na ng crocs. masyado ng mahal. hava lang ang ma-afford ko. hihi.

    @kuletz
    — righteous!! hehe 😀 SPARTANS!!! 😀

    Reply
  • 10. emoterang nurse  |  May 18, 2008 at 9:25 pm

    may mga tao nga tlagang ganyan…
    titingnan kung hava ba ung flip flops na suot mu…pero wala ako paki sa knila…
    kaya nga ako di din ako bumili nun kasi ndi nman ako sumusunod sa uso…

    mag spartans na lang pinoy na pinoy…:)

    Reply
  • 11. lionel (acid42)  |  May 20, 2008 at 12:45 am

    Sandals na lang.
    Para di mahulog sa paa pag sumakay ka ng Jeep o MRT!!!

    Ilang beses na ako nakakita ng tsinelas sa ibaba ng tracks ng MRT. Iniisip ko: paano yung may-ari nun? Naglakad na barefoot papauwi?

    Reply
  • 12. Maui  |  May 20, 2008 at 11:27 am

    eerm. magkaparehas kmi ni chie pero di kami sabay nag bili. haha. and yeeep, twas my favorite kasi greeen. weh. haha. xD

    Reply
  • 13. trishie  |  May 20, 2008 at 1:59 pm

    @emoterang nurse
    — hehe. yeah. 😀

    @lionel
    — haha. as in. marami rin kayang akong nakikitang tsinelas na nasa kalye. nahulog siguro! hehe! di naman siguro sila mag-babarefoot pauwi, kaso, mapipilitan silang bumili ng bagong tsinelas. hihi.

    @maui
    — aw. kala ko sabay kayo nag-buy. 🙂 Yeah. Alam ko favorite mo yun kasi green. hehe

    Reply
  • 14. vera  |  May 21, 2008 at 3:50 am

    hi trishie! hahaha. awoo awoo! err. tama ba yung sigaw ko?

    ako man. itong mga tag 800 na tsinelas na to ay regalo lang sakin. 3 years old na yung una kong pares pero buhay parin sya!!

    yung all flip flops sa glorietta at moa potek pinipilahan parang takilya!

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


The Author


Despite my flaws,
I'm still superb.

Kalendaryo

May 2008
S M T W T F S
« Apr   Jun »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

%d bloggers like this: